Tapos, paglabas ko may nakita akong lola mag-isa. Akala ko talaga as in mag-isa lang sya. Pinanood ko lang maglakad since nauna naman sya sa'kin. Then bigla syang tumigil, alam ko na agad na nawawala sya. Hinahanap nya yung apo ata nya? Tapos sabi ko, wala ba syang phone. Tas sakto may nag-text sa kanya. Kaso hindi nya raw mababasa kasi wala daw salamin nya. Edi sinabi ko na ako na magbabasa. Ayun daw, sinabi kung nasaan sila. Binasa ko. Tas nagpasalamat sa akin yung lola tapos may "God bless you" pa. Grabe, sobrang gusto ko umiyak dun. Ansaya kasi sa feeling. Gusto ko pa nga sana ihatid kung saan man yun para sure na makasama nya yung kasama nya. Kaso ewan ko ba't di ko pa ginawa. Kainis. Anyway, since ansaya saya ko nung time na yun, tinuloy tuloy ko na. Kahit gusto ko kumain, pinilit kong mag-tipid nalang. Ayun, hindi na ako gumastos (since nakakain naman na ako bago mag-service kaya nga ako late e). Balak ko nga rin sana harapin yung fear ko na mag-jeep mag-isa. Kaso di ko kinaya, nag-fx pa rin ako. Then ayun. Pagbalik kong dorm, sinubok ako agad ni Lord. Nakakapikon kaagad. HAHAHAHA. Pero pinilit kong kumalma.
Naiistress ako sa dami ng requirements. Akala ko makakapag-pahinga ako ngayong Holy Week. Balak ko pa man din sanang makipag-bonding sa family since tagal ko rin silang hindi nakasama. E kaso pano ba naman, andaming kailangang gawin at ambibigat pa.
ENGED 3 TEACHING DEMO
LOGIC REPORT
FIELD STUDY PORTFOLIO
CHORVA SA HUMANITIES
Yung Lenten Sacrifice, hindi ko ire-reklamo since gusto ko rin naman gawin yun. Pero yung naunang tatlo talaga yung naiirita ako HAHAHAHA. Ambibigat kasi tas kailangan lahat matapos within 1 week. Huhuh I crie a lot. Profs hurt me a lot. :( pero sige, based on experience, madali lang naman lahat. Nagiging kumplikado lang ang mga simpleng bagay dahil nauuna yung mga reklamo at katamaran. So sige, pipilitin ko talagang wag unahin yung asar ko para lang matapos 'to. HAHAHA. So help me God.
0 comments:
Post a Comment