Masakit din pala. Yung feeling na, yung pinaglalaban mo nung bata ka pa, hanggang sa tumanda ka na, makikita mo na lang na wala na talagang pag-asa. Nagsayang ka lang ba talaga ng oras? O iisipin mo na, sige okay lang, ginawa mo naman best mo e. Pamilya mo yan e. Syempre hindi ka susuko dyan. Pero paano pag sila na mismo yung sumuko?
"If your parents are still together, you are so lucky."
Of course, others have it worse. But that doesn't mean I don't have the right na malungkot dito. E kung sa masakit e. Kontrolado ba nila nararamdaman ko. Yung iba dyan nagrereklamo na ankukulit ng mga magulang nila ganito ganyan. Aba, e buti nga kayo kumpleto pa pamilya nyo e. Alam nyo ba pakiramdam nung andyan nga sila pero parang wala namang pakialam sa isa't isa? Yung makikita mo sila na nag-uusap pero alam mong wala nang pagmamahal yun. Maybe that's why I'm so scared of marriage. I mean, how could you marry someone and then not care at all? I mean, hello? Pinakasalan mo yan. May sumpaan kayo e. May mga anak kayo. Tapos ganun nalang? Kung magshota lang tanggap ko pa e. Kasi young hearts are supposed to explore. They're supposed to find out what real love is. Pero yung kapag mag-asawa na? Well, siguro ganito ako kasi magulang ko yan e. Pero pag sitwasyon ng iba, baka masabi ko lang e yung ultimate pampa-lubag loob ever: "Wala e, ganun talaga e. Wala na tayong magagawa." ka-bullshitan. Hindi na ba talaga pwede gawan ng paraan. As much as I want to reestablish this family, pucha kung yung mismong foundation ang ayaw gumalaw, kahit lumunok pa ako ng buhay na manok dito, walang mangyayari.
Kanina, ni hindi ko matignan si papa nang deretso. Ansakit sakit. To think na okay lang sakanya kahit magkaron pa ng iba si mama. Bakit ganun? Bakit kaya nya? Ni hindi man lang ba sya nasaktan kahit konti? Minahal naman nya si mama. Kung kaibigan ako ni mama, iaadvice ko sakanya na, sige, mag-move on ka na. Para sayo din yan, para sa sarili mo. Maikli lang ang buhay, wag mong sayangin sa taong walang pakialam sayo. Pero kasi iba naman yung sitwasyon na ganito. Anak ako. I'm supposed to fight for this family.
Well. Ipagpalagay nalang natin na ganito ang takbo ng buhay. May kanya-kanya tayong desisyon bilang may kanya-kanya din naman tayong mga buhay, pag-iisip, pananaw at paniniwala. Nung nag-desisyon akong magmahal ng kapwa ko babae, nung una, pinigilan ako ng mga magulang ko. Pero hindi ako nakinig. Ipinaglaban ko. Bakit? Kasi nagmamahal ako. At ngayon, kahit anong gawin namin na pakiusap na ayusin 'to, ayaw na talaga nya. Ayaw na makinig. Ipinaglaban ang sarili nya. Bakit? Kasi hindi na sya nagmamahal. It's bullshit to think na "HAYAAN MO NA KASI GANYAN TALAGA ANG BUHAY" kasi hindi ganun kadali yon! Pero minsan, kailangan mong mag-settle sa thought na "MAY KANYA-KANYANG DESISYON ANG BAWAT TAO AT WALA KANG IBANG PWEDENG GAWIN KUNDI RESPETUHIN YON." Minsan kailangan mo ring ilagay yung sarili mo sa sitwasyon ng ibang tao. Kung ikaw sila, ano gagawin mo? Minsan, kapag nasasaktan tayo, iniisip natin na tayo lang nahihirapan. Pero naiisip din ba natin na masakit din naman para sa part nung isa? Like, ginusto ba nya talaga mangyari yun? Anong gusto nyo? Magpaka-plastik pa kahit wala na talaga? Edi sino lang nahirapan? Edi kayo? Kasi hindi totoo yung natatanggap nyo? E kung hinayaan nyo nalang, eventually, kahit gaano pa katagal, kahit pa-unti unti man, gagaan at gagaan din hanggang sa hindi mo na maramdaman. Madaling sabihin oo pero napaka-hirap gawin. Pero kasi ganun na talaga e? As if namang may magagawa ka pa diba?
0 comments:
Post a Comment