Baka kasi maiyak lang ako

I promised myself na I would visit lolo and lola tuwing weekends. Lalo na ngayon dahil may issue sila pareho. Si lolo may Alzheimer's tapos si lola nanghihina na. Close ako sa kanila dahil mula pagkabata ko, magkalapit ang bahay namin. Kapag bakasyon, madalas ako mag-lagi sa kanila. Natatandaan ko pa rin yung mga pangaral ni lola noon tsaka kapag kinukulit ko si lolo. Natutuwa nga ako kasi kilala pa rin nila ako ngayon. Hindi pa nila nakakalimutan yung pangalan ko. Malaking bagay yun para sa'kin.

Last week, nagstart manghina si lola. Nabigla ako kasi nung Pasko and New Year, malakas pa sya. Sure, mahina na yung pandinig. Pero alamoyun, hindi mo kakikitaan ng panghihina. Nung nabalitaan ko yun, gusto ko kaagad sya bisitahin kaso pinangunahan ako ng takot. Ayokong makita sya na nahihirapan. Baka kasi maiyak lang ako. Mahal ko si lola. Sobra. Kahit paminsan ko nalang sila nadadalaw mula nung nag-highschool ako, alam ko malapit pa rin ako sakanya. Sakanila ni lolo.

Kanina, bago kami umalis, dumaan kami kina lola. Naabutan ko si Tita Es na nilalagyan ng diaper si lola. Gusto kong umiyak dun pero pinigilan ko. Sobrang nanghihina si lola. Hindi na sya masyado nakakarinig tapos naka-smirk lang sya. I almost lost it nung niyakap ko sya. Gusto ko sya yakapin nang mahigpit pero ayoko umiyak dun. Hindi pa kasi ako nagttoothbrush, nakakahiya naman. Anyway, ayun nga. Kumaway na ako para mag-bbye, kumaway din naman sya. Hindi sya ngumingiti. Nalungkot ako, pero alam ko namang na-acknowledge nya yung presence ko. Si lolo naman, okay lang sya. Naka-upo lang sya nung dumating ako. Niyakap ko sya tapos kinumusta, at okay lang naman daw sya. Di ko maaalala yung saktong sinabi nya pero pinaparating nya na gusto nya ako bumisita nang madalas. Tumawa lang ako pero nung moment na yun, pinangako ko sa sarili ko na bibisitahin ko sila tuwing uuwi ako. Hindi ko na pwede palampasin ang bawat chance na nandun ako. As much as possible, gusto ko dun mag-stay kapag Sunday, kahit sa hapon lang.


Ito na yung latest pic ko kasama sila. Hindi ako matino, lol. Last year pa 'to nung New Year. Wala man lang kaming picture this year. Hayst. Osyasige yun lamang. :) Dito ko nalang ilalabas yung mga hinanakit ko tungkol dito, kasi ayoko mag-open up muna sa mga kaibigan ko. Ayoko maiyak sa harap nila e. :)) sige bye.

Share:

0 comments:

Post a Comment