Tanong 'to ni Wendy kanina kay Shamira habang gumagawa kami ng group activity sa Stylistics. Nung una, natawa ako na tinanong niya si Shamira ng ganun. Pero nung nakapag-isip isip ako, na-realize ko na anlalim nung tanong na yun. So, sinagot ko 'yun pero sa sarili ko lang. At dun ko na-realize na masaya naman talaga ako. Araw-araw, hindi nauubusan si Lord ng binibigay na blessings sa akin. Despite of all the struggles, ito pa rin ako, surviving!! LOL. Pero syempre, ayoko lang basta mag-survive. Gusto ko rin ma-live yung buhay ko sa paraang masasabi kong worth it ang mga bagay-bagay. Isa lang ang dahilan kung bakit sigurado akong masaya ako—kasi mahal ako ni Lord. Sobrang overwhelming ng pagmamahal niya. Well, siguro hindi sanay yung ibang tao na ganito ako, lalo na yung mga totoong nakakakilala sa akin. E kasi hindi naman ako masyadong religious. Ako yung tipo na sasabihan ng "WEH!?" kapag nagsalita ako ng tungkol kay Lord. Pero hindi ko sila masisisi. Kasi may pagka-siraulo talaga ako. Medyo gago. Hindi ako as in sobrang mabait na tao.
Pero nakakatuwa kasi kahit gago ako, may ilang friends ako na pinagkakatiwalaaan ako. May mga bagay na sa akin lang nila nasasabi at ipinagkakatiwala nila na hindi ko ipagsasabi sa iba. At masaya ako sa tiwalang binibigay nila. Kasi, kahit naman madaldal ako, kapag sikreto ng iba, hindi ko naman ipinagkakalat. Sarili kong kagaguhan yung pinapakalat ko. Kaya naiinis rin ako kapag may tungkol sa'kin na kumakalat pero iba yung nagsabi. Ayokong pinapangunahan ako. Kasi hindi naman ako malihim na tao. Sasabihin ko sa'yo pag gusto ko sabihin sa'yo. Pag ayoko, ibig sabihin wala akong tiwala sa'yo. Haha arte e. Pero ayun nga.
Kanina, medyo nakapag-bonding kami ni Wendy. Sa kanya ko na-share yung inis ko. HAHAHA. E kasi, sobrang gutom na ako at gusto ko na talaga bumili ng pagkain so medyo nagyaya na ako bumaba. Pero hintayin daw yung iba kasi sabay-sabay, ganito ganyan. E naasar ako. Kasi gutom na talaga ako. I mean, bakit, pagkababa ba, pare-pareho ba kami ng bibilhan? Sabay-sabay ba kami matatapos bumili? Sabay-sabay kaming aakyat? HINDI! Kanya-kanyang pagkain 'yon unless pareho ng bibilhan! So, kay Wendy ko na-share yung inis na yun, at natuwa ako kasi yun din pala naiisip niya.
Pero nawala yung inis ko kasi nagkasundo kami sa kakainin namin. Nag-Bon Chon kami. Edi um-order na ako. Tas nung o-order na sya, sabi niya dun sa ate, "Kung ano po yung inorder nya, ganun na ganun din akin." HAHAHA tapos sabi ko bili na rin kami ng sundae. Edi pumayag siya. So parehong-pareho kami ng kinain. At ansaya ko. Kasi maanghang yung chicken, tapos matamis yung ice cream (malamang) E BASTA YON :))
Isa si Wendy sa mga kaibigang tinutukoy ko na may tiwala sa'kin. Yung nagsh-share sa akin ng mga sikreto at sigurado silang hindi ko ipagkakalat. So ayun kanina, nagshare siya. At ako, as usual, taga-pakinig at masaya na ako sa ganun. Hahaha. Tinanong ko sa kanya kung hindi ba niya nasasabi kay Hericka, kasi forever seatmates sila so malamang close sila. Pero hindi daw niya yon nasasabi kay Hericka. May part na nagbubulungan kami kasi medyo private. Tapos edi nagtaka na si Hericka ba't daw nagbubulungan. So ayun medyo nabago nalang yung topic at natuwa ako sa napagusapan namin! Tungkol kay Pope. Nagka-share-an kami ng mga pananaw at opinyon. Ansaya kasi parang first time 'yun na nag-usap kami nang seryoso. Yung hindi lang basta chismisan. Tapos maya-maya, puro tawa na naman kami. HAHAHA.
Ilan pa sa mga kaibigang may tiwala sa'kin (hehe) e sina Yosha, Hannah, and Bunsay. Si Yosha and Hannah, may kanya-kanyang bagay na na-share sa akin na hindi nila na-share sa iba naming kaibigan. Hindi ko alam kung hindi lang talaga sila madaldal yung as in kinakalat nila problema nila or sadyang alam nilang gago ako at alam nilang hindi ko sila ija-judge. Pero either way, thankful ako sa trust na binibigay nila kasi rest assured namang safe yun sa'kin. And medyo natuwa ako kay Bunsay kasi yung ibang nash-share niya, hindi niya nakwento kay Ramon at wala pa syang ibang sinasabihan. At si Carla nga pala, haha hindi kami ganun ka-tight pero may nalaman ako sa kanya at masaya naman ako na ipinagkatiwala niya sa'kin yung malagim na sikretong 'yun. Medyo nainis nga lang ako ngayong araw dahil una, kesyo sabay-sabay daw bababa. And second, "Hayaan mo na, tapos na e." bullshit lang. Nasa tugatog ako ng emosyon ko tapos ganun lang isasagot. So sige, sarilinin ko nalang problema ko. Pero okay na ako ngayon. Mas mahalaga yung mga positive na bagay.
Tulad na lang ng nangyari nung Sunday. Well tulad ng sinabi ko, hindi ako ganun ka-religious. Hindi rin ako Catholic (pero Christian naman ako, so..) first time ko nag-participate sa isang major Catholic event. Pero hindi ako sa religious aspect tumingin. I focused more on the message itself. Natutuwa ako kasi kahit hindi ako Catholic, Pope Francis was able to reach out to me. He made me closer to God and he helped me strengthen my faith. Marami siyang bagay na napa-realize sa akin. Ibang-iba rin yung pagka-special ni Pope Francis. Maliit na bagay, pero sobrang napaka-precious nung kakyutan nya. Yung nagsuot sya ng loomband, yung hindi nya namalayang may rosary sya sa tenga, yung pag-sign language nya ng "I love you," yung paghabol nya sa zucchetto nung lumipad, nung tinanggal na niya muna 'yun para hindi liparin, at nung itinrade niya pa, tsaka yung nag-heart sign sya sa bintana ng eroplano, pati na rin yung tumakip sa mukha niya yung damit niya pero wala siyang pakialam. Sobrang cute lang kasi. And para hindi ko makalimutan, ilalagay ko 'to dito: Pope Francis' Most Adorable Moments (PH Visit 2015) and TIME's Person of the Year. Dahil dyan, naipangako ko sa sarili ko na balang araw pupunta ako sa Rome at papasalamatan ko siya personally. Nanghihinayang ako na hindi ako nag-volunteer noon, pero thankful pa din ako na nandun ako sa event. Kahit hindi ko sya nakita yung as in nakita ko talaga, blessed feeling pa din.
0 comments:
Post a Comment