Feeling so lost right now.

Hindi ko na alam mga pinaggagawa ko sa buhay ko. :)) But I'm sure na mali talaga 'tong daang tinatahak ko. Naliligaw ako sa Educ. Hindi ito ang gusto kong field. This is not where I belong. I was just planted here because of my own stupidity. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Hindi ko alam kung paano ko 'to tatakasan. Naiinis na nga ako e. Halos takasan ko na lahat ng dapat gagawin. Pero promise, aayusin ko final exams ko. Pag naayos ko yun, sige pagbubutihan ko talaga next sem. Nawawalan na kasi ako ng pag-asa lalo pa't napapatunayan ko na hindi talaga ito ang gusto ko. Hindi ako makapag-back out talaga dahil marami akong madi-disappoint. Pero sa ginagawa ko, ako ang nadi-disappoint sa sarili ko. Nasanay kasi akong sarili kong desisyon ang sinusunod ko. Kaya ngayon ito, sobrang LOST. Andami ko na rin nadi-disappoint sa mga kaklase ko. Dahil sa kawalan ko ng interes, hindi ko na nagagawa nang maayos yung mga part ko sa mga groupwork. Alam ko naiinis na sila sakin. Pati mga kaibigan ko. Andami kong maling desisyong nagagawa. Kailangan kong mag-isip nang mabuti. Kailangan ko i-kundisyon sarili ko. Kailangang matutunan kong mahalin 'tong ginagawa ko. Third year na kasi ako. Sobrang hassle sa pamilya ko kung ngayon pa ako magsh-shift. :(
Share:

0 comments:

Post a Comment