Ayan, at non-stop kwentuhan lang with Kuya Jovi, Ate Camille, & Tita Es. Special thanks sa mga chichiryang binili ni Tito Manny kina Saling. Hanggang sa napagdiskitahan yung Boombox ni Tita Gie. Nagpatugtog lang kami para hindi masyadong boring. Nag-tong its din kami nina Lola, Ate Camille tsaka Tita Es. Medyo nainis ako kasi sira yung baraha pero ayos lang. Natigil ang aming paglalaro dahil nga sa mga nabanggit kong brouhaha kanina. Dumidilim na ng bahagya at napunta ang aming soundtrip sa isang paglalaro. Napagtripan namin maglaro ng hulaan ng title ng kantang tutugtog sa Boombox. Mga kanta ni Sarah Geronimo, Erik Santos, at iba pang tagalog na kanta na biglang may mga English na makaluma. Ayun, enjoy naman. Hanggang sa gusto ko ng umuwi, sumabay na kami kina Tintin. Pupunta sila ni Cyrus sa bahay ng papa nila na si Russel, may kuryente kasi dun, ewan ko ba, e ilang blocks lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay namin. So yun nga. Pagkauwi sa bahay, naganap ang bonding of the Ibañez family. Hahaha.
Nanood kami nina Papa at Kuya ng Home Alone. Nang biglang bumukas ang mga ilaw. May kuryente na! Yayayayy. Pero hindi namin binuksan ang wi-fi dahil masisira ang aming bonding. Pinagpatuloy namin ang panonood at biglang napag-desisyunang magpa-deliver ng pagkain dahil kami'y nagugutom. McDelivery dapat kaso naka-maintenance. Jollibee delivery, tapos na kami mag-order kaso biglang hindi raw available sa area namin. Napadpad kami sa Shakey's. Ayun, hindi masyadong matagal, dumating na rin. Tenenenen!!
Ayan. Tuloy tuloy ang bonding hanggang sa Home Alone 3. Pero hindi na umabot si Papa dun kasi inantok na siya. Pagkatapos nun, natulog na kami. Balak pa nga ni Kuya manood ng Chucky kaso inaantok na talaga ako.
Kinaumagahan, umalis ako with Tita Es at nagkita-kita kaming tatlo nina Ate Faye para manood ng The Healing. Kasama nga dapat si Kuya Jovi kaso wala daw siyang pamasahe. Niyaya ko rin si Florian kaso biglaan naman daw ako magyaya. So in the end, kaming tatlo nalang nanood. Pagkapapalit ng passes into tickets, pumunta muna kami sa Chowking para mag-late lunch. At eto binili ko. Tenenen!!!
Shanghai Lauriat! Naubos ko yan! Said na said! Heh. E sa gutom ako bakit ba. Edi ayun nga. Nanood na kami ng The Healing. Actually, napanood ko na yun with some of my blockmates. Pero despite that fact, natakot pa rin ako at nagulat pa rin sa mga eksena. Deputa nakakasindak naman talaga e. Pero it's one of the best movies I've ever watched. Astig! Galing ni Ate Vi! Haha gusto ko mapanood yung part 2. Siguro naman meron kasi medyo cliff hanger yung ending niya. Tsaka feeling ko magiging si Kim yung role ni Jhong dun. Feeling ko lang naman. Pagtapos namin manood, nag-cr, tas nagpunta kaming Chatime. Eto order namin ni Ate Faye.
Kanya yung sa kaliwa. Chatime Roasted Milk Tea. Yung akin, Strawberry Yogurt Smoothie with pearls. Habang inuubos ko yung hinayupak na yan, nag-kwentuhan lang sina Tita Es and Ate Faye about sa aming mga kamag-anak. Tahimik lang akong nakikinig dahil dinadama ko masyado yung iniinom ko. Hahaha. At hindi rin nagtagal, umuwi na din kami. Wala naman na masyadong nangyari pagkauwi ko ng bahay. Nagbago na nga pala sched ng prelims. Ipo-post ko nalang sa susunod na post kasa parang inappropriate kapag hinalo ko sa post na to. Sige, bye na muna. :)

0 comments:
Post a Comment