Kunin mo na lahat.

Pangalawang late ko na kanina. Si Papa hindi ako ginising. Taragis, tas ambagal ko pa kumilos. Pano kasi, wala akong energy. Halos 2:00 na ako nakatulog dahil tinapos ko pa yung powerpoint presentation para sa Filipino. Tapos hindi rin naman pala kami magre-report dahil absent si Ma'am Castillo kanina. Okay lang din, at least nakapag-review pa sa Math. Ayun, nakasagot naman ako ng maayos sa quiz, medyo nalito pero medyo sigurado naman ako sa mga sagot ko. Sana lang talaga tama. Ilang beses ko dinouble check yun ah, sumusobra na. Kaso, sana pagbigyan ni Sir Sangcap yung sagot ko sa long division. Sabi niya kasi i-fraction daw, e dinecimal ko, haaay bahala na. Sana tama please please please!!

Oral recitation naman sa Theology. Hindi ko nasagot yung tanong sa'kin, hindi ko kasi nareview yun e. Yung prophecy daw ni Zephaniah. Haay. Ayun tapos naaalala mo pa ba yung pang-lima dun sa mga bagay na bumabagabag sa'kin? Ayun, buti nalang hindi ko pinroblema masyado, kasi okay na yun ngayon. Medyo back to normal na, XD Tapos, medyo cinoach ko pa si crush nung tinawag ulit siya, kahit narinig ko lang din naman sa iba yung sagot na yun. Pero at least tama. Yeheyy! Pero ako wala pa ring sagot. Okay lang din naman daw sabi ni Ma'am Lituañas, kasi recitation lang yun. Pero kahit na! Hindi ako natutuwa sa mga quizzes ko e, babawi nalang talaga ako sa prelims! Andaming pero sa paragraph na to.

Pagkatapos ng Theology, pumunta kami nina Celina at Isabel sa office ng EHS. Nagpaturo sila ng lesson sa Filipino kay Sir Jason. Tas nung tapos na sila magpaturo, pumunta ako dun sa may FOD, chinika ko yung teacher dun. Ay grabe alam mo ba, pang-hapon na pala yung English?? Ayun, medyo matagal din yung kwentuhan namin nung teacher dun, ang fc ko lang e. XD Nakita ko rin pala si Sir Ghie. Maya-maya, pumunta na ako sa auditorium. Andun na pala yung ibang Patrio. Edi ayun na. Masaya naman. Mini reunion, sobrang proud ako dun sa nanalo, yung Ms. EHS 2012. Taga-Responsibility siya. Basta nakaka-proud. Hahaha. Si Djezette yung gusto ko manalo kasi basta nagagandahan ako sa'kanya. Hahaha. Ayun.

Nauna na kami nina Lydelle, Crista, Nicole, at Zeb umalis kasi antagal nung iba. Sa The Pit kami kumain. Namiss ko yung Salisbury steak e. XD Tapos dumating na si Gil. Tapos bumili kami ng mais. Tapos nakasalubong namin yung ibang Patrio. Tapos umupo sa may Plaza Mayor. Tapos nauna na kami umalis nina Crista at Nicole. Inabot pa kami ng ulan. Anhirap sumakay pauwi. Pero nakaraos din. Nakatulog pa ako sa fx kasi nga diba antok na antok na ako. Pagdating ng Trinoma, nakita ko si Cakelyn tsaka yung kaklase ko nung Nursery. Ayon. Tas nakarating na rin ako ng bahay. Mga 9:10 na ako nakarating, late na yan pero ako pa rin naunang nakauwi. Hayst!

May mali pala sa previous post ko. Yung exam namin sa Theology, sa August 10 pa. Tas hindi kami tuloy nina Paulina bukas kasi anlayo ng Moa. Resched nalang daw. Di ko rin alam kung anong plano ng JETLeM para sa 4th anniversary. Haaay. Petiks muna ko ngayon, bukas mag-aaral na ako. Bukas NS201, sa Sabado PHIST, sa Sunday, THEOLOGY, sa Monday, yung dalawang English, sa Tuesday Filipino. At yung Math, e bahala na. Puro application naman kasi yun e, papasadahan ko nalang. Tsaka reviewhin ko yung mga powerpoint presentations na shinare ni Bunsay dun sa fb group.

Confirmed nga pala, crush ko na si ano. Yung isa dun sa tatlong naikwento ko na sa dalawang posts dito. Pero crush lang. Basta. Ansaya saya saya saya ko kasi pag andyan siya. Para bang ang lahat ay walang hangganan, dahil sa tamis na nararanasan. Kung mula sa puso, ay tunay ngang ganyan. :"> HAHAHA BIRO LANG. De kasi ano, basta nga masaya ako pag nakikita ko siya. At ansarap-sarap pakinggan ng boses niya. Haaayy.

Yung title nga pala, uhm, wala lang yan. XD
Share:

0 comments:

Post a Comment