Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko na rin alam kung anong dapat kong maramdaman. Alam kong hindi niya ito magugustuhan. Alam kong magagalit siya pag nalaman niya. Alam kong tatawanan ko lang itong post na 'to pag naging okay na ulit ako. Ikakahiya ko na naman ito. Pero ewan ko kung bakit tinutuloy ko pa rin. Hindi ko na alam kung ano ba talaga kami. Oo, alam ko hanggang friends lang talaga ang pwede. At isa pa, never naman akong naghangad ng isang relationship. Ang gusto ko lang, friendship. Para sure na magtatagal. At least ang friends, gaano man katagal na panahon ang lumipas, mananatili pa rin yung matibay na samahan. Hindi tulad ng mga mag-syota. Isang araw mo lang hindi makausap, anlaking issue kaagad. Masyadong hassle. Masyadong maraming obligations, kasi nga, committed ka. Pero ang friends? Nakakaintindi yan e. Kaya mas naeenjoy ko ang friendship. Pwedeng pwede ang gaguhan. Gaguhan as in barahan, asaran, harutan. Hindi backstabban, plastikan at trayduran, ibang bagay na yun. Pero minsan naiisip ko..
Gusto kong ma-in love. Kaso nakakatakot. Alam kong oa para sabihin kong nadala na ako sa 1st relationship at hindi rin naman yun masyadong mabigat dahil 1st time lang yun at bata pa ako nun. Gusto ko lang maramdaman yung merong isang taong sobrang mahal ka. Na ipaparamdam sayo araw araw kung gaano ka kahalaga sa kanya. Yung kahit ano mangyari, hindi ka iiwan. Yung ikaw lang ang mahal at kayang makuntento sa kung anong kaya mong ibigay. Demanding pa ba ako nun? Gusto ko lang maramdaman, kahit once lang. Pag di successful, ayos lang din. Dun ko mapapatunayan na mas mahalaga pa rin ang friendship kaysa sa mga stupid relationships. Anhilig ko mag-take ng risk na hindi man lang pinag-iisipan kung anong pwedeng mangyari. At minsan, kahit alam kong masasaktan ako, go pa rin ng go. Ewan, sadista e.
At ang pinaka-masakit dun, e yung nararamdaman mong nasasaktan ka. Posible yun e. Hindi lang siya basta ka-oa-an. Minsan, literal kong nararamdaman yung kirot ng puso ko. TOTOO TO HINDI LANG BASTA DRAMA. At sa mga ganung pagkakataon, naiinis ako sa sarili ko kung bakit lagi nalang akong nagpapadala sa emosyon. At minsan, kahit wala namang dapat intindihin, e kung anu-ano iniisip ko. Nagkakaron tuloy ng mga problemang wala naman talaga don. Pero kasi minsan ang gulo talaga e. Hindi ko na alam kung anong ibig sabihin ng isang maliit na bagay. I mean, parang lahat nalang may ibig sabihin? Pero masakit din kasi na minsan akala mo, mahalaga ka. Tapos biglang, wala ng pakialam sayo? Oo alam ko, hindi naman lahat ng atensyon dapat nasakin. Assurance lang naman ang kailangan ko e. Gusto ko lang makasiguro kung ano ba talaga ako sayo, para naman hindi ako naguguluhan kung saan ako lulugar. Ayokong mailang pero ayoko ring maging pahalata.
Siguro, go with the flow nalang? Act naturally? Don't over-think? Know my limitations? Don't go over the boundaries? Control my emotions? Am I still making sense? Maybe? Ito kasing Hug ng DBSK e, nakaka-emo. Pinakinggan ko habang tinitignan pictures mo. Sumakit tuloy puso ko at biglang pinagta-type tong mga to. >_< Mabuti pa't itigil ko na ito at ituloy na yung pinapanood ko. Byers na? Ok byeoms~
0 comments:
Post a Comment