Okay lang :):


Alam kong hindi lang ako ang may problema. Kaya ito, iba-blog ko nalang. Para walang kaibigang maaabala. Nakakahiya naman kasi. Manghahawa pa ako ng negative vibes. Hindi rin ako makapag-diary kasi ampangit ng sulat ko. Anyway.. ito ang nararamdaman ko ngayon.


Wala na akong gana sa lahat. Ilang beses na akong nagdasal pero ganito pa rin nararamdaman ko. Hindi ko sinisisi si Lord. Ang totoo nga nyan e palagi akong nagpapasalamat kasi kahit palaging negative nararamdaman ko e hindi pa rin sya natatapos sa pagbibigay ng blessings. Pinipilit kong maging masaya. Syempre gusto ko maging masaya. Gumagawa naman ako ng paraan. Kaya lang parang ayaw maki-cooperate ng mga tao.

Sa friends. Tinatry ko naman maging mabuting kaibigan. Nagri-reach out ako. Pero wala eh. Kahit gaano ka pa andyan para sa isang tao, kung hindi ikaw ang kailangan nya, wala ka pa ring kwenta. Marami akong pinapahalagahang kaibigan. Kaya lang hindi ata nila nakikita yun. Kasi parang binabaliwala lang nila yung pagkausap ko sa kanila. Pasensya na kung masama akong tao. Hindi pang-bestfriend material. Sorry.

Sa pag-aaral. Pinipilit ko mag-sipag. Pero hindi talaga ako makasabay. Pinipilit ko maging okay sa class pero pag ayan na, nawawala na. Hindi ko alam kung bakit ganun. Hindi ko alam kung saan ako nagkakamali. I'm trying. Pero walang nangyayari. Palagi akong nagdadasal. Na sana maging okay ako, okay lahat. Nararamdaman ko naman yung blessings eh. Sobra sobra pa nga eh. Pero may kulang talaga. May something na humihila sakin pababa. At hindi ko alam kung ano yun.

Sa buhay. Nagpapakabait ako. Pinipilit ko. Pinipilit kong wag magalit agad sa mga simpleng bagay. Pinipilit kong makuntento sa kung anong meron. Pinipilit kong maging okay. Pero andami pa ring kumukontra. Bakit :(

Pero kahit ganun, I still feel blessed. Now here's the brighter side:

  • Kaninang umaga, akala ko malas ako. Kasi late ako nagising, walang tricycle, traffic, anhaba ng pila sa fx, antagal dumating ng fx, at lumubog pa yung sapatos na ginangster ko kay Hannah dun sa putikan sa Blumentritt. Pero hindi pala ako malas. Andaming tumulong sakin. Ambabait nila. Yung ate pinahiram ako ng tsinelas tapos yung kuyang driver binanlawan yung sapatos. Tas yung isang kuya binilhan ako ng tsinelas para maibalik ko kay ate yung kanya. Tas binentahan pa ako ng foot socks. Nakapasok pa rin ako ng buhay.
  • Habang umiiyak ako because of a certain problem, puro "I love you" yung naririnig ko galing sa mga kaibigan ko.
  • Wala akong baon dahil late na nga nagising. Nung palabas na sana ako ng building para bumili ng pagkain, binilhan pala ako ng mga kaibigan ko ng pagkain. Napakabait.
  • Nung birthday ko, akala ko magiging malungkot. Kasi hindi makakapag-celebrate with family and friends. Pero may nakasama ako na nagpasaya sakin sobra. Kahit temporary lang sya sa buhay ko, nagpapasalamat pa rin ako kasi sobrang napasaya niya talaga ako nung birthday ko.
  • Yung friend na akala ko nawala na, ayun nakipagayos. Ayoko sana pero minsan lang yung taong magffight for friendship. Kaya ayun, okay friends.
  • Hindi ako yung tipo ng friend na sinusurprise at ineeffortan. Pero may isang gumawa nun at nagpatunay na mahalaga rin ako.
  • Kahit sobrang nalulungkot ako, buhay pa rin ako hanggang ngayon.
Lord, sorry po kung napakarami kong reklamo. You know I'm trying. I'm trying to be okay. I'm trying to be happy. I'm trying not to disturb my friends with my walang-kwenta-problems. Friends, sorry kung burden ako. Kung pabigat, istorbo and everything. From now on, I'll try to keep everything to myself. Alam kong nandyan kayo para sakin pero thank you nalang siguro. Malalampasan ko rin 'tong mourning stage ko.
Share:

0 comments:

Post a Comment