Happy week!

Tagalog muna tayo kasi hindi gumagana English ko ngayon. HAHAHA :) So yun. Ansaya lang ng week na 'to (November 10-15). Siguro dahil kasi nasimulan ko ng tama kaya nagtuloy-tuloy. Hehe.

November 10, Sunday. NSTP orientation. Ansaya ko kasi hindi ako na-late. After nung orientation, nag-Mcdo kami ni Nicole tas dumating si Celina (di kasi namin siya ka-sched sa orientation) tas onting chikahan. Pagtapos namin kumain, dumeretso na ako sa C77 for Sunday service. Pagdating ko akala ko sobrang late na ako. Yun pala patapos palang yung 11pm service. So yun, nasimulan ko yung 3pm service na nag-umpisa 4pm na ata. Hahaha kaloka. Then yun, praise and worship na. Ansaya. Nawala lahat ng lungkot ko instantly. Si Coach Pat yung andun tsaka hindi ko kilala yung isa e, pero nakakatuwa yung preaching nila. Medyo alam ko na yung kay Coach Pat kasi yun din yung sinabi niya nung midweek service. Medyo late na rin natapos kasi mahaba pareho yung preaching nung dalawang coach. Tapos naalala ko, may dalawang bata nun sa harap ko. Mag-kapatid sila, tas naalala ko sakanilang dalawa sina Pua kasi may nakita akong picture nila nung bata tas sobrang kamukha nitong mga bata na nakita ko. Aliw na aliw ako sakanila kasi medyo baliw. HAHAHA anyway, after nung service, nag-tingin tingin ako sa gallery sa labas. Tapos bigla nalang may tumapik sa balikat ko, nagulat ako kasi masakit HAHAHA si Shaun pala yun. Buong araw atang nagpipicture yun. Pagtapos nun umuwi na ako kasi gabi na. Pag-uwi, nood No Other Woman tsaka GGV. Puro tawa lang ako. Kabisado ko kasi mga linya sa No Other Woman. Sabay na sabay pa kami ni Carmi Martin "BUSINESS PARTNER!?" HAHAHA :)) tas GGV, malamang. =))

Monday. Wala ata masyadong nangyari. Naka-chikahan ko si Elaine bago ako umuwi. Tas onting online pagkauwi tas natulog ako hanggang kinabukasan. So Tuesday na kaagad. Sumabay ako kina mama pauwi kasi nagpa-late kami ng uwi ni Celina. Gumawa kami nung assignment sa Lit (na hindi rin pinasa kinabukasan kasi wala si Ma'am Martinez) tas natulog lang din ata ako agad pagdating.

Aaaaand Wednesday is the day!!! Free time nung Lit, walang prof. Puro kain lang inatupag ko tas chika chika. AHAHA. Tas comedy na naman nung PoT2 haha nakakatawa si Ma'am Paez. Tas nung break time puro kain lang din inatupag ko. Pfft. Tapos EdTech, hayst boring. Then PE na. On the way, may nakasalubong akong epal. lol masaya yung PE namin. Kaklase namin si Honesto HAHAHAHA pero di ko siya ka-group awts.



After PE, ito, ito na talaga. Naglaro kami ng badminton tsaka 10-20!!!!! Ansaya ko as in super saya (tho medyo malungkot kasi sobra akong nagpawis, meaning mababaliwala lahat ng kinain ko at hindi ako tataba dahil dun hahaha) so yun nga. Puro hampas ng raketa, ang ingay ko bawat tira, tapos sa 10-20, sobrang talon HAHA as in. Nung napagod na kami lahat, puro chika chika nalang dun sa upuan.




Nung time na yun narealize ko ansaya ko. Masaya ako sa mga kaibigan ko ngayong college. Tapos bago umuwi, nagsayawan pa ng kpop sina Joselle, Megan tsaka Hannah. Gusto ko sumali kaso hindi talaga ako marunong sumayaw kaya kanta nalang ginawa ko. HAHA. Ayun, kasabay ko si Mariane sa jeep. Nakachika ko rin siya. Yehey! Tapos midweek service na. Blessed feeling, yet again. Tho medyo hindi ako maka-concentrate kasi sobrang sakit na ng likod ko!! Huhubels. Tapos nagugutom na ako nun at hindi ako binilhan nung gustong gusto kong burger. Kaya habang nasa byahe pauwi, umiiyak ako at nag-halo halo na lahat ng lungkot sa buhay ko HAHAHAHA shemay. Mugto mata ko pag-uwi kaya tinuloy tuloy ko na yung iyak ko. Kinabukasan paggising ko, magang maga mata ko. Tuwang tuwa na naman ako AHAHA.



Thursday, nangyari ang malaking katangahan. Kala ko 1pm pa class namin kaya sabi ko before 11 ako aalis. Bagal bagal ko pa magpatuyo ng buhok nang bigla kong ma-realize na 11:30 pala class namin!!! FUTAFETE. Dumating ako sa UST 12:30 na!! Di na ako pumasok. Inexplain ko kay Ma'am Vizconde kung ba't ako wala. Antanga tanga nung dahilan ko pero sinabi ko na rin yung totoo. Magsisinungaling pa ba ako?? HAHA. Tapos yun, para hindi sayang oras, kumain nalang muna kami ni Hannah sa 7-eleven. Inumin lang naman binili ko kasi may baon ako. Tapos uwi na rin agad. Gusto ko sana dumaan sa C77 para magdasal. Kaso kasabay ko si Hannah nun, nahihiya naman akong iwan siya bigla. Kaya ayun, umuwi nalang ako. Tas medyo online. Sa laptop na. Mula Monday ata akong hindi sa laptop nagoonline. Medyo nakakamiss din. Haha nakakatamad na kasi.

Aaand, Friday! Puro kain inatupag ko nung break time. Sinamahan ko pa si Sairra sa room ng 2E2, sila kaklase niya for Lit. Pinakilala ko siya kina Isabel, Duane, Mau, tsaka iba pang 2E2 dun. Hahaha. Nung uwian, kasama ko si Celina tsaka si Kim. Sa library kami tumambay. Saksihan ang pagwawalang hiya.


BWAHAHA. So ayan. Nag-brown out pa. Tapos nanood kami ng ano. Tas maya-maya dumating na si Isabel. Umuwi na si Kim tas nag-Bubbatealicious kami. Pero ako lang yung umorder. Andun sina Denise tsaka Marc. Ansaya nila :) Tapos nung hapon pala, nakita ko si Aljon. HAHAHA. Sinigawan ko. "MARIANOOOO!!!!!" tumingin siya!! HAHAHA kaway ako sabay "hi" tas ngumiti siya. YEHEY! HAHAHA peste.

And so yun. After namin sa Bubbatealicious. Tumambay kami sa Lovers Lane. Kaming tatlo nina Isabel and Celina. Sayang nga wala si Nicole tas wala rin kaming pictures. Aw. Wala kaming masakyan kaya sa UST ako sinundo. Pero habang hinihintay namin ni Isabel sina Papa, bumalik kami Educ para mag-cr. Tas nag-piano kami saglit. Natutuwa ako kasi nakatugtog ako ng maayos sa piano dun. Usually kasi pag sa ibang piano, hindi na ako marunong. hehe. After nun, balik kami España. Sinabay namin si Isabel hanggang Banawe tas nag-Jollibee kami. Aaaand...


Antagal kong pinaka-aasam 'to!! HAHA box nalang siya ngayon. PERO ANSAYA. Huhubels. Pagdating sa bahay, nag-ol ako saglit. Then natulog na. Ansakit parin kasi ng likod ko. Paggising ko hindi na gaano. YEHEY :)

At ngayong Saturday. Walang Kampilan :( kaya dito lang sa bahay. Late na ako bumangon tas nag-online dito sa laptop para mag-blog. Ayokong palampasin na hindi ko nai-blog yung mga nangyari this week. Kasi masaya talaga 'tong week na 'to para sakin. Onting beses lang ako mabadtrip. Minsan lang mangyari yun. Pero mas masaya na talaga ako ngayon. Wag lang talaga sanang mas mapadalas yung topak kasi hindi talaga ako marunong tumigil umiyak. Pag nasimulan ko na umiyak, tuloy tuloy na kaya naiinis ako. AHAHA ayun.

Hayahay lang muna saglit. Tas mamaya ako kikilos. Kain, linis, aral and everything. Bye na muna! :)


Share:

0 comments:

Post a Comment